Martes, Hulyo 15, 2014

1st year law professors

Matagal ko na balak mag post ng personal comments tungkol sa mga professors ko noong 1st year para sa guidance ng mga to be first year pa lang. Ang ginagawa ko kasi kapag 1st week ng school, sine-search ko online ang professors ko para magkaron ako ng idea tungkol sa kanila. Hope my list helps.

1st year 1st semester line up:

Atty. Maximo Amurao- Professor ko siya sa criminal law 1. He is the terror-est professor i have ever had (so far). If you study the lesson, very intently, you will have no problem in his class. Swerte lang namin dahil noong panahon namin, unang beses din nilabas ang book niya sa crim 1 at lahat ng itatanong niya nasa book naman. Napakagaling niya sa crim1, marami akong natutunan sa kanya bukod sa mga krimen. He influenced me a lot. Dahil sa kanya, gusto ko din maging crminal.. lawyer. Mortality rate during our time: around 8 or 9

Atty. Maricris Pahate- She was my professor in Statutory Construction. Mabait naman si Ma'am and kumpara sa ibang statcon profs, pumapasok siya. Ngayon ko na lang nga na-appreciate sa second year yung subject niya. So kids, take the subject seriously.

Judge Andres Soriano- Persons and Family Relations prof. He is very fatherly, napakabait. Nag lecture lang siya madalas and mataas magbigay ng grade. Talagang mabait siya sa freshmen kasi ayon sa kanya, freshmen pa lang kaya dapat mabait pa sa kanila. Sabi niya sa amin, after a year, you would know if this is really for you. If you think it is not, then focus your attention to something that might be better for you.

Commissioner Soriano- Consti 1 professor. I would rather not comment. Go and figure it out yourselves.

Dean Ulan- Legres/legwrit. Hindi pumapasok.

1st year 2nd sem line up:

Justice Eloy Bello- Criminal law prof. From Atty. Amurao to Justice Bello, naging madali ang buhay namin sa crim law 2. 40 pages sa Reyes book ang coverage per day. Medyo magulo magtanong si Justice minsan kaya be attentive na lang. Kumpara sa ibang profs, swerte na din kasi pumapasok at nagtuturo si Justice. Mataas din siya magbigay ng grade.

Atty. Bruce Rivera- Consti 2 prof. In fairness kay Atty. Bruce, magaling siya mag lecture. Madalas absent dahil kasagsagan ng kaso ni Napoles pero kapag pumasok, sandamakmak na cases ang assigned. Sa buong semester, 196 cases ang assigned. Kung madami kang time, basahin ang full text kasi interesting ang cases sa consti. Medyo na-badtrip lang siya sa amin dahil sa Secret Files na yan na kasalanan naman talaga ng taga San Beda Alabang. Mortality rate: around 8 or 9 lang ang pumasa (ingat lang 5 units pa naman)

Justice Oscar Herrera- ObliCon prof. Napakabait ni Justice. Bagay na bagay sa kanya na nasa Sandiganbayan. Nakikita ko sa kanya ang pagka-matuwid na daan. He arrives on time and dismisses us on time. He texts the beadle before class if there are emergencies and he cannot attend the class. Half of the time recit and the other half he lectures. Marami akong natutunan sa kanya kahit hindi ako yung laging kinakabahan at nape-pressure. Chill lang si Justice pero magaling at 'teacher' siya talaga. Sabi nila mababa daw magbigay ng grade pero okay lang naman grade ko sa kanya.

Judge Arcega- Legal ethics prof. Very motherly at napakabait ni ma'am. Masipag din pumasok at nagtuturo din naman talaga. She told us that being diligent is what will help us in law school. Hindi uubra sa law school ang puro yabang at talino. Ang nagsusurvive, ay yung mga masisipag mag aral. Mataas din naman magbigay ng grade.

 






Martes, Abril 15, 2014

Serve The People



April na naman, graduation season ika nga bukod pa sa birth month ko. Maligayang pagtatapos nga pala sa lahat ng magsisipagtapos ngayong taon. Pagkatapos ng anim na taon sa elementary o apat sa high school o apat o higit pa sa kolehiyo o kahit dalawang taon sa pre elementary pa yan, nagbunga na ang pagsusunog ng kilay ninyo kung nagsunog man kayo ng kilay. Pero bago kayo mag-inom o magtawag ng night out kasama ang mga kaibigan at malalapit na tao sa inyo, sana isipin nyo din ang hirap na dinanas ng magulang, kamag anak, benefactor, sponsor o sinumang nagpa aral sa inyo.
Sa kaso kasi ng mga iskolar ng bayan o yung mga isko at iska, aba eh malaking bahagdan ng tuition natin ay galing sa buwis ng mamamayan, emphasis lamang sa buwis ha. Sabi nga ni Prof. Winnie Monsod, kung gusto natin i-quantify ang tunay na halaga ng UP education, ikumpara sa tuition sa Ateneo o La Salle, yun daw ang UP education. Wala mang siyentipikong basehan ito pero you get the point.
Isipin natin ha, yung isang magsasaka o mangingisda na nagbabayad ng buwis, ni hindi nga mapa-aral ung anak nya pero meron siyang kontribusyon sa tuition na binabayaran natin dahil lamang nasa UP tayo. Yung teacher na napakalaki ng bawas sa sweldo nya para sa tax, halos hindi na magkaugaga sa pagbebenta ng sabon o avon sa school para lang mapunan ang kakulangan ng sweldo, may kontribusyon pa sa tuition natin. May balak ba tayo after graduation para magpalik naman sa mangingisda, magsasaka at titser na ito?
Lagi natin naririnig serve the people, serve the people, sa pagkakatanda ko, meron pa ngang napakalaking banner niyan doon sa tuktok ng DL Umali noong graduation namin last year eh. Hindi naman ako magmamalinis, isang taon na ako grumaduate, nasan na ang serve the people? After graduation dumerecho na ako sa law school, sabi ko sa sarili ko tatapusin ko ang law at ipasa ang bar, tiyak mas madami ako matutulungan. Hindi ko naman nakakalimutan ang pangakong yun.
Tanong ng iba, pano ba yun, kelangan ba i-quantify, kelangan ba literal na bayaran mo in any way yung ginastos na buwis para sa pag aaral mo? Kelangan ba maging magsasaka ka din o mangingisda o titser para makabawi? Kelangan ba dito ka lang sa Pilipinas, huwag ka mag aabroad? Para sa akin kasi, if you live up to what is expected of an iskolar ng bayan, marahil isang paraan nay un para makapag give back. Aminin natin, napaka idealistic natin nung estudyante pa, na iniisip natin we can change the world and all that, pagkalabas ng UP, nandun pa rin ba yung idealism? Yung kagustuhan na mabago yung pangit sa lipunan? Ewan ko, sarili lamang natin yung makakasagot nun. Sabi nga eh, sa bawat sampung kamatis, marahil dalawa o tatlo dun ay bulok, ang magiging tanong lamang, alin ka dun? Dun ka ba sa bulok?
Muli, maligayang pagtatapos class of 2014! Dangal at husay mga kapwa iskolar ng bayan! Serve the people!