Biyernes, Hunyo 14, 2013

Ang labo na nga ng buhay ang labo ko pa

Thursday, June 13, 2013 10:30 PM
                Orientation namin kahapon. Masaya naman pero hindi ko pa rin ramdam. Si Kai tinanong sa akin kung kailan ko ba daw matatanggap na sa San Beda na ako.. Hindi ko din alam eh.
Frustration ko ang UP Diliman mula pa nung pumasok ako sa college. Nung hindi ako pumasa, kinuwestyon ko pa kakayahan ko, bakit sila pumasa, ako sa UPLB ‘lang’? Ang problema, hindi naman ako sumubok lumipat. Sinasabi na nila Joey at Kevin noon na tutulungan nila ako lumipat pero hindi ko naman ginawa. Ang labo nga eh, gusto ko pero hindi naman ako gumawa ng paraan. Kaya nung nabigyan ulit ng pagkakataon sana para sa wakas eh makatuntong ng UP Diliman, yung LAE nga, hindi na naman ako pumasa. Paulit ulit na lang.  Pero dahil pwede hanggang tatlong takes sa LAE, may paraan naman para mas lumaki yung chance na pumasa, pwede sana magpahinga muna ako ng isang taon, saka mag review ng tunay tapos mag take ulit, baka nga naman mas malaki na yung chance pumasa kung ganun, pero katulad ng dati, may paraan naman pero hindi ko ginawa.
Kasing labo ng mga desisyon ko ang buhay.
Nagrereklamo ako pero hindi ko naman ginawa lahat ng paraan para makuha yung gusto ko. Siguro nga yung kinatatayuan mo ngayon, deep down, yun rin naman ang gusto mo. Nagkakaron ka lang ng doubts kasi hindi matanggap ng sistema mo na tanggap mo na yung sitwasyon. Ewan, hindi ko alam.

PS: Namove sa 17 ang pasok naming.

1 komento:

  1. natawa ako kasi parang narinig ko ang sarili ko sa post na ito. kuhang kuha mo ang feeling april, kuhang kuha mo.

    TumugonBurahin