With the 245-strong and biggest batch of graduates San Beda Law Mendiola has ever produced, I will be marching this Saturday.
It was never a secret that San Beda Law was not my first choice. Up until this very end, it has never been. Throughout my journey, I was so insecure and eager to prove my worth to everyone.
Since I started going to school, I have never been the 'best' in my class. I was not the class valedictorian but i have always been in the upper 10% of the batch. When i entered UPLB, i was so overwhelmed i thought i cannot possibly excel there. So in my first year, i did not exert much effort and i was just contented with a passing mark. When 3rd year came, i was included in the list of college scholars for several semesters it was only then that i realized, i can actually get good grades in UP. Kaya lang it was too late. My 3rd and 4th year grades weren't able to pull up my 1st and 2nd year grades to graduate with Latin honors.
When it was final that i will be going to law school, i was so excited because alas, i will be able to redeem myself. I oriented myself that i can do whatever i wasn't able to achieve in college. I worked hard, studied hard, compromised social life. After first year, i was top3 of the whole batch, 17 sections of 1st year with approximately 30 students in each section.
In second year, the top30 of the previous year were lumped in one section, star section, they say, cream of the crop. I must admit that this is the best thing San Beda has given me. This is my official law school family. Again i worked hard, studied hard and at the end of the year, i was still number 3.
Third year came, same section, same set of familiar faces, same family. This year was the hardest. But we managed to survive.
Fourth year came, with whatever reasons the administration had, there was no section S anymore, they distributed us in different sections. I was with H and P, 4 sections away from Y, C, and R. It was so devastating to even think that my law school family will not be intact in our last year in law school. It was only much later that i realized the much deeper consequences of such policy. I was still number 3 taking into consideration the cumulative 1st to 3rd year grades. Since we are not in the same section, we had different set of professors. How can you possibly fairly and evenly look for the top of the whole graduating class when the other professors are naturally giving very high grades and the others do not? It just so happen that i think, our section belongs to the latter set of professors.
Allow me to grieve for the last time and expose my fragile heart. Being devastated was an understatement knowing that my grades fell short of just .258 from that of R. Why did not the admin see the consequences of what they had done. All i ever asked was a level playing field but nobody ever given me such.
But i realized that at the end of the day, these three are my very good friends. They don't probably even anticipated this. I saw how they worked hard also and they deserve this. A very dear friend told me after crying my heart out, "every action has an equal and opposite reaction, kaya lang masasabi natin na hindi fair ang buhay kasi hindi natin nakukuha yung intended reaction na gusto natin makuha most of the time because we dont take into consideration the multiplicity of actions and causes, na hindi lang naman tayo ang author of all reactions and effects".
To the 2017 graduating class of San Beda College of Law, Congratulations! Padayon!
Future Abogado ng Bayan
Miyerkules, Mayo 24, 2017
Huwebes, Disyembre 31, 2015
Pangako
Katulad ng tula ni Juan Miguel
Severo, mangangako akong ito na ang huling piyesang isusulat ko para sa'yo.
Mangangako akong iiwan ko na ang mga
alaala mo katulad ng pag iwan ng mundo sa taong 2015. Hindi ko na hahayaang
masaktan tuwing may mababalitaan ako mula sa iba tungkol sa’yo. Hindi na ako
magpapa-apekto kapag may hindi magaganda silang komento tungkol sa’yo. Hindi na
kita ipagtatanggol mula sa mapanghusgang mundo. Hindi na ako aasang baka
dumating ang tamang panahon para sa ating dalawa. Ngayong darating na taon,
palalayain na kita, upang mapalaya ko na rin ang sarili ko.
Pero bago yan, hayaan mo akong
alalahanin ka, alalahanin tayo, sa huling pagkakataon..
Ikaw ang una kong pag ibig. Ikaw ang unang
lalaking iniyakan ko maliban kay Itay. Matanda na tayo pareho para maglokohan o
maglandian lang. Nangako ka sa akin. Pinanghawakan ko yun ng napakatagal.
Ginawa kitang exception sa lahat dahil inintindi ko ang sitwasyon mo.
Ipinangako ko sa sarili ko na hinding hindi ako papasok sa isang relasyong
hindi sigurado pero para sa’yo ginawa ko yun. Ganun ka kahalaga sa akin. Ganun
kitang minahal.
Handa sana akong hintayin ka kahit
gaano pa yan katagal. Handa sana akong masaktan kung sa huli naman tayo pa ring
dalawa. Handa sana akong mahalin ka kasama ng lahat ng magaganda at hindi
magagandang katangian mo. Pero sinabi mong hindi mo kayang mag-commit. Sinabi
mong hindi mo kayang ibigay ang oras at presensya na kailangan ko. Pero
bullshit naman dahil kung busy ka at marami kang ginagawa, ganun din ako. Hindi
ko kailanman hininging ibigay mo sa akin ang bente kwatro oras mo. Sapat na sa
aking may mapagsasabihan ng mga bokya recits ko. Okay na ako kahit minsan lang
tayo magkita. Ayos lang kahit hindi makalabas basta alam kong nandyan ka lang
para sa akin.
Pero hindi. Sinabi mong hindi ka
maka-commit.
Paulit-ulit kong itinanong sa sarili
ko kung ako ba yung mali? Baka naman naging masyado akong demanding sa’yo.
Mayroon ba akong dapat baguhin? At kung meron man, handa sana akong baguhin yun
para sa’yo dahil ikaw na nga ang nagsabi, hindi ba? We always change ourselves
for the sake of the beloved.
Pero sinabi mong hindi ka
maka-commit.
Inamin mo sa akin na naging mahina
ka. Hindi mo tayo kayang panindigan. Sinabi mo sa akin na baka nga hindi lang
nagtugma tugma ang tamang panahon, ang tamang rason, ang tamang tao at ang
tamang pagkakataon pero in your own words “soon, very soon they might be
aligned”. Hindi na ako naniniwala sa’yo.
Sa ikinatagal ng panahong hindi ako
makatingin sa ganda ng buwan nang hindi ka naaalala, ngayong darating na bagong
taon, ito ang unang una kong hahanapin kasabay ng pangakong hindi na pangalan
mo ang sasambitin sa mga gabing buwan lang ang nakakaintindi sa akin.
Sa susunod na mag ktv ang barkada,
kakantahin ko na ang The Closer I Get To You nang hindi ikaw ang naaalala dahil
lang paborito mo ito at minsan mong kinanta at dinedicate para sa akin. Hindi
ko na rin ipagkakait sa sarili kong mapanood ang Theory of Everything kahit pa
nagsumpaan tayo na sabay natin itong panonoorin. Kakain na ako sa BonChon kahit
pa mabura nito yung una nating tanghalian na magkasama doon. Hindi ko na
pagkakaitan ang sarili ko na gawin ding comfort food ang chicken spag ng
Jollibee dahil lang yun ang comfort food mo. Hihingin ko nang pasalubong mula
sa ibang tao ang pasalubong items sa Nathaniel’s kahit pa yun ang unang
pasalubong na ibinigay mo para sa akin.
Ngayong darating na taon, magiging
masaya na ako sa kinahantungan nating dalawa. Sadya nga sigurong may mga taong
pinaglapit ngunit hindi itinadhana. Kung hindi mo ako kayang panindigan ngayon
baka nga hindi mo rin ako kayang panindigan kahit na kailan.
Ngayong 2016, tuluyan at tunay ko
nang patatawarin ang sarili ko katulad ng pagpapatawad ko sa’yo. Hindi ko na
ipipilit ang mga bagay na hindi naman dapat ipinipilit. Hindi ko na kokontrolin
ang mga bagay na alam ko namang hindi ko kontrolado. Hindi ko na iisiping
natalo ako sa isang mundong tinuruan akong dapat na lagi ay manalo.
Ngayong 2016, sarili ko na uli ang
uunahin ko.
Ngayong 2016, kalilimutan na kita.
Ngayong 2016, palalayain na kita.
Ito na ang huling piyesang isusulat
ko para at tungkol sa’yo, pangako. Dalangin ko lagi’t lagi na kung anuman ang
maging desisyon mo sa buhay ay gabayan ka. Sana ay maging masaya ka.
At sa huling pagkakataon.. mahal at
minahal kita.
Huwebes, Disyembre 24, 2015
Of law, love, life and 2015
3/3
Since
2013, when I entered law school, my life revolved around academics. Sabi ko
noon, na-exhaust ko na ang lahat ng pwede nung college. Nakapag social life ako
nang todo todo. Nainom ko na lahat ng pwedeng inumin. Na-good time ko na lahat
ng pwedeng i-good time. Sabi ko, mabilis lang naman siguro ang apat na taon
para gawing priority ang law school. That was what I did.
Tuwing
may nagtatanong so ano ba daw ang kontribusyon ko para maging maayos ang
Pilipinas, sabi ko nag aaral ako ng mabuti. Hindi lang para sa akin at sa
pamilya ko kundi para sa bayan.
I
am a self-imposed planner. Mayroon akong short and long time goals. And I religiously
follow them. But falling in love with the one I fell in love with was not part
of the plan (Punyeta naisama na naman siya). But you see, I learned to adapt. Hindi
naman kasi lahat mangyayari batay sa plano mo. Of course, with the guidance of
the One up there, pwedeng makuha mo ito.
Life
always happens and we cannot do anything but to learn to live with it.
2015
gave me the chance to realize that maybe, being in San Beda was not that bad
after all. I’ve got great group of friends. I’ve got the best bloc any law
student could hope and pray for. They are the ones who convince me that maybe
being here was what’s best for me.
And
I will never get tired of saying this but San Beda brought me closer to the
Lord. Sure I still have reservations but that’s what makes faith the most
incredible thing, right? Doubts?
I
also think that San Beda makes me a better person. San Beda makes me want to
challenge the system and the status quo. Lagi ko ngang sinasabi, lahat ng
nakikita at nararanasan ko dito, dalawang bagay lang ang pwedeng kalalabasan—mag-patangay
ka o ichachallenge mo ito. I always pray that I will do the latter. I also
always pray that the others will do the same.
No
life is perfect but it is still great. Nadadapa tayo here and there but we must
get up and keep going. I have high hopes for 2016 and the years to come.
2015
had been the crying years of my life. And dami kong luhang naiiyak sa 2015 but
it gave me so many lessons that I will forever carry and apply in life.
A
Merry Chirstmas to us all and may the coming year bring us all the happiness
and wholeness in the world. Cheers!
Lunes, Disyembre 21, 2015
Of law, love, life, and 2015
2/3
In 2015 I found
my first love.. and though I do not want to spoil this but, I also lost him. It
was a love story doomed not to last from the very start. Circumstances
prevented a love story to happen, siguro biktima lang talaga tayo ng buhay.
As I have said,
sa sobrang luwag ng second year second semester namin, nakuha ko pang subukang
mag love life, kasabay ng social life at law.
I am very much
grateful though. Naging masaya naman ako noon. I am not saying hindi ako masaya
ngayon but happiness is one thing, wholeness, meaningfulness, that’s another.
Bigger words na yun eh. Sabihin na lang nating, I became wiser. Besides, minsan
kailangan rin siguro natin ng thrill sa buhay. Haha! That experience provided
me the “thrill”.
If ever mabasa
mo ito, which I doubt, thank you. Thank you for the love sabi nga ng ABS-CBN.
Looking back, palagay ko naman genuine yung mga pinakita mo. You did what you
did in good faith kaya lang siguro may mga bagay talagang hindi tumatagal.
But allow me to
tell you and the entire internet world how devastating on my part that “break
up” was.
Katulad ng
sinabi ko, yung third year first sem sa law school, napakahirap. Mahirap yung
subjects by themselves tapos kapag nag-combo pa yung innate na hirap ng subjects,
plus nakakabaliw na schedule plus terror professors, ewan ko na lang kung
matino ka pa after the semester. Tapos ako, sumusubok pang kumalimot.
Para sa kaalaman
ng lahat, ako yung tipo ng tao na madali ma-attach at mahirap makalimot.
Nahihiwagaan nga ako sa iba kasi pinoproblema nila yung hirap makaalala.
Halimbawa, hirap silang alalahanin kung sa’n iniwan yung susi ng kotse o bahay,
hirap alalahanin kung kailan ang birthday ng kaibigan pero hindi ba mas mahirap
makalimot? Mas mahirap kalimutan yung taong nagmahal at nanakit sa’yo. Mahirap
kalimutan yung masasayang mga bagay pero mas mahirap kalimutan yung mga
masasakit.
Yung sinasabi
nilang “keep yourself busy” oo effective yun, for a while.. kapag hindi ka na
busy, paano na?
But you know,
life goes on. Life went on. Hindi ka naman pwedeng magpaiwan dahil lang
nasaktan ka. Sabi nga ni Fr. Rembert sa homily niya, bumagsak ka? Life goes on.
Iniwan ka niya? Life goes on. Nalugi negosyo ninyo? Life goes on.
For a while, nag
struggle akong kalimutan siya. Binura ko number niya (although oo, memoryado ko
naman), binura ko conversations namin, sinubukan kong burahin siya sa lahat
pero narealize ko you cannot just forget someone. Narealize ko nga, sayang lang
sa panahon at energy ang pilitin ang sarili na kalimutan ang isang tao. Siguro
we just let ourselves be and learn to live with the pain, the regrets, the
anger, lahat. Para sa akin, ang pinakaimportante, you just have to control
them. Halimbawa, kapag nag aaral ka tapos bigla kang makakakita ng isang bagay
na makakapagpaalala sa kanya, okay lang yun, tao ka lang. siguro hayaan mo na
isipin mo siya ng ilang minuto pero pagkatapos, balik ka na uli sa pag aaral.
You just have to learn to control them. That was how I survived. Sabi nga ng
blocmate ko, move on at your own pace.
That
experience also brought me closer to God. Imagine ha, nung first sem third
year, 6:30am dumadating na ako sa school para magsimba kahit hapon o gabi pa
ang class. Sumali ako sa student ministry primarily para sa mga prayer worship,
wala nga pala akong absent sa mga prayer worship. Ipinagdasal ko kasi yun,
actually hiningi ko yun kay Lord kaya nung natapos at nahihirapan ako sabi ko,
tulungan niya ako bilang siya naman ang nagbigay nun. Haha!
But
see, I survived. Life went on. Pumasa pa nga ako kay Dean Jara, Civil Procedure
kahit sobrang hirap.
Experiences
in life make us tougher. Nasa atin lang yan.
A
friend asked me, “umaasa ka pa ba?” An honest answer, I am hoping against hope.
To
you, I am praying for you every day. I hope you are genuinely happy.
Of law, love, life and 2015
1/3
2015 was a great
year just like any year before that. Ayaw ko namang sabihin na hindi masaya ang
2015. Hindi ko rin naman masasabi na ito ay malungkot—tulad nga ng
expresyon—sakto lang.
This is the
first article of this series, hence the title. Kaya lang, hindi ko talaga alam
kung paano ko idedelianate ang law sa love ang love sa life at ang law sa life.
Para kasi sa akin parang iisa lang naman itong tatlong ito.
Pero
dahil blog ko naman ito at jusme, napakatagal na nung huli kong post, I might
mix these three up. Bahala na lang kayo.
2015
was a superb year for me in so far as law is concerned. Hindi ko akalain na
makukuha ko pa yung bronze medal for second year. Napakahirap ng second year
first semester, hindi biro. Bukod sa 25% discount sa tuition (thanks San Beda
baka naman sabihin ninyo ingrata ako), we were awarded during the graduation of
the seniors this 2015. That was one of the happiest moments of my law school
life. My parents travelled all the way from Isabela na nagka-aberya pa nga
dahil na-traffic sila at alas dose na ng tanghali dumating at alas dos ng hapon
ang call time namin para lang makadalo. That was surreal though. Nung time na
yun nga, naexcite ako grumaduate bigla. Naka-red robe din kasi kami katulad ng
graduates pero may konting pagkakaiba lang sa bandang shoulders.
That
was unexpected considering the work load for second year as well as the lineup
of professors (I will write a separate post on our professors, sana lang
sipagin). Besides, for the last two years, walang medalists for second year
kaya hindi namin inexpect tatlo nila Y and C na makuha pa ang gold, silver,
bronze.
Yung
second year second semester, mas madali na. Bukod sa nakapag adjust na sa work
load, schedule, mas naging madali rin ang lineup namin. Actually, masaya yung
second sem. Mas marami kaming labas ng bloc, mas maraming extracurricular
activities, mas naging close kami as a bloc, no, as a family rather.
To
second year readers, if there are, samantalahin ninyo yung ganitong pagkakataon,
pwede pa nga kayong maglove life at social life nang sabay ngayong second year
second semester tapos magka-bronze medal pa. Promise, naranasan ko. HAHA
Yung
third year, first sem, naku, ibang usapan na yan.
Martes, Hulyo 15, 2014
1st year law professors
Matagal ko na balak mag post ng personal comments tungkol sa mga professors ko noong 1st year para sa guidance ng mga to be first year pa lang. Ang ginagawa ko kasi kapag 1st week ng school, sine-search ko online ang professors ko para magkaron ako ng idea tungkol sa kanila. Hope my list helps.
1st year 1st semester line up:
Atty. Maximo Amurao- Professor ko siya sa criminal law 1. He is the terror-est professor i have ever had (so far). If you study the lesson, very intently, you will have no problem in his class. Swerte lang namin dahil noong panahon namin, unang beses din nilabas ang book niya sa crim 1 at lahat ng itatanong niya nasa book naman. Napakagaling niya sa crim1, marami akong natutunan sa kanya bukod sa mga krimen. He influenced me a lot. Dahil sa kanya, gusto ko din maging crminal.. lawyer. Mortality rate during our time: around 8 or 9
Atty. Maricris Pahate- She was my professor in Statutory Construction. Mabait naman si Ma'am and kumpara sa ibang statcon profs, pumapasok siya. Ngayon ko na lang nga na-appreciate sa second year yung subject niya. So kids, take the subject seriously.
Judge Andres Soriano- Persons and Family Relations prof. He is very fatherly, napakabait. Nag lecture lang siya madalas and mataas magbigay ng grade. Talagang mabait siya sa freshmen kasi ayon sa kanya, freshmen pa lang kaya dapat mabait pa sa kanila. Sabi niya sa amin, after a year, you would know if this is really for you. If you think it is not, then focus your attention to something that might be better for you.
Commissioner Soriano- Consti 1 professor. I would rather not comment. Go and figure it out yourselves.
Dean Ulan- Legres/legwrit. Hindi pumapasok.
1st year 2nd sem line up:
Justice Eloy Bello- Criminal law prof. From Atty. Amurao to Justice Bello, naging madali ang buhay namin sa crim law 2. 40 pages sa Reyes book ang coverage per day. Medyo magulo magtanong si Justice minsan kaya be attentive na lang. Kumpara sa ibang profs, swerte na din kasi pumapasok at nagtuturo si Justice. Mataas din siya magbigay ng grade.
Atty. Bruce Rivera- Consti 2 prof. In fairness kay Atty. Bruce, magaling siya mag lecture. Madalas absent dahil kasagsagan ng kaso ni Napoles pero kapag pumasok, sandamakmak na cases ang assigned. Sa buong semester, 196 cases ang assigned. Kung madami kang time, basahin ang full text kasi interesting ang cases sa consti. Medyo na-badtrip lang siya sa amin dahil sa Secret Files na yan na kasalanan naman talaga ng taga San Beda Alabang. Mortality rate: around 8 or 9 lang ang pumasa (ingat lang 5 units pa naman)
Justice Oscar Herrera- ObliCon prof. Napakabait ni Justice. Bagay na bagay sa kanya na nasa Sandiganbayan. Nakikita ko sa kanya ang pagka-matuwid na daan. He arrives on time and dismisses us on time. He texts the beadle before class if there are emergencies and he cannot attend the class. Half of the time recit and the other half he lectures. Marami akong natutunan sa kanya kahit hindi ako yung laging kinakabahan at nape-pressure. Chill lang si Justice pero magaling at 'teacher' siya talaga. Sabi nila mababa daw magbigay ng grade pero okay lang naman grade ko sa kanya.
Judge Arcega- Legal ethics prof. Very motherly at napakabait ni ma'am. Masipag din pumasok at nagtuturo din naman talaga. She told us that being diligent is what will help us in law school. Hindi uubra sa law school ang puro yabang at talino. Ang nagsusurvive, ay yung mga masisipag mag aral. Mataas din naman magbigay ng grade.
1st year 1st semester line up:
Atty. Maximo Amurao- Professor ko siya sa criminal law 1. He is the terror-est professor i have ever had (so far). If you study the lesson, very intently, you will have no problem in his class. Swerte lang namin dahil noong panahon namin, unang beses din nilabas ang book niya sa crim 1 at lahat ng itatanong niya nasa book naman. Napakagaling niya sa crim1, marami akong natutunan sa kanya bukod sa mga krimen. He influenced me a lot. Dahil sa kanya, gusto ko din maging crminal.. lawyer. Mortality rate during our time: around 8 or 9
Atty. Maricris Pahate- She was my professor in Statutory Construction. Mabait naman si Ma'am and kumpara sa ibang statcon profs, pumapasok siya. Ngayon ko na lang nga na-appreciate sa second year yung subject niya. So kids, take the subject seriously.
Judge Andres Soriano- Persons and Family Relations prof. He is very fatherly, napakabait. Nag lecture lang siya madalas and mataas magbigay ng grade. Talagang mabait siya sa freshmen kasi ayon sa kanya, freshmen pa lang kaya dapat mabait pa sa kanila. Sabi niya sa amin, after a year, you would know if this is really for you. If you think it is not, then focus your attention to something that might be better for you.
Commissioner Soriano- Consti 1 professor. I would rather not comment. Go and figure it out yourselves.
Dean Ulan- Legres/legwrit. Hindi pumapasok.
1st year 2nd sem line up:
Justice Eloy Bello- Criminal law prof. From Atty. Amurao to Justice Bello, naging madali ang buhay namin sa crim law 2. 40 pages sa Reyes book ang coverage per day. Medyo magulo magtanong si Justice minsan kaya be attentive na lang. Kumpara sa ibang profs, swerte na din kasi pumapasok at nagtuturo si Justice. Mataas din siya magbigay ng grade.
Atty. Bruce Rivera- Consti 2 prof. In fairness kay Atty. Bruce, magaling siya mag lecture. Madalas absent dahil kasagsagan ng kaso ni Napoles pero kapag pumasok, sandamakmak na cases ang assigned. Sa buong semester, 196 cases ang assigned. Kung madami kang time, basahin ang full text kasi interesting ang cases sa consti. Medyo na-badtrip lang siya sa amin dahil sa Secret Files na yan na kasalanan naman talaga ng taga San Beda Alabang. Mortality rate: around 8 or 9 lang ang pumasa (ingat lang 5 units pa naman)
Justice Oscar Herrera- ObliCon prof. Napakabait ni Justice. Bagay na bagay sa kanya na nasa Sandiganbayan. Nakikita ko sa kanya ang pagka-matuwid na daan. He arrives on time and dismisses us on time. He texts the beadle before class if there are emergencies and he cannot attend the class. Half of the time recit and the other half he lectures. Marami akong natutunan sa kanya kahit hindi ako yung laging kinakabahan at nape-pressure. Chill lang si Justice pero magaling at 'teacher' siya talaga. Sabi nila mababa daw magbigay ng grade pero okay lang naman grade ko sa kanya.
Judge Arcega- Legal ethics prof. Very motherly at napakabait ni ma'am. Masipag din pumasok at nagtuturo din naman talaga. She told us that being diligent is what will help us in law school. Hindi uubra sa law school ang puro yabang at talino. Ang nagsusurvive, ay yung mga masisipag mag aral. Mataas din naman magbigay ng grade.
Martes, Abril 15, 2014
Serve The People
April na naman,
graduation season ika nga bukod pa sa birth month ko. Maligayang pagtatapos nga
pala sa lahat ng magsisipagtapos ngayong taon. Pagkatapos ng anim na taon sa
elementary o apat sa high school o apat o higit pa sa kolehiyo o kahit dalawang
taon sa pre elementary pa yan, nagbunga na ang pagsusunog ng kilay ninyo kung
nagsunog man kayo ng kilay. Pero bago kayo mag-inom o magtawag ng night out
kasama ang mga kaibigan at malalapit na tao sa inyo, sana isipin nyo din ang
hirap na dinanas ng magulang, kamag anak, benefactor, sponsor o sinumang nagpa
aral sa inyo.
Sa kaso kasi ng
mga iskolar ng bayan o yung mga isko at iska, aba eh malaking bahagdan ng
tuition natin ay galing sa buwis ng
mamamayan, emphasis lamang sa buwis ha. Sabi nga ni Prof. Winnie Monsod,
kung gusto natin i-quantify ang tunay na halaga ng UP education, ikumpara sa
tuition sa Ateneo o La Salle, yun daw ang UP education. Wala mang siyentipikong
basehan ito pero you get the point.
Isipin natin ha,
yung isang magsasaka o mangingisda na nagbabayad ng buwis, ni hindi nga
mapa-aral ung anak nya pero meron siyang kontribusyon sa tuition na binabayaran
natin dahil lamang nasa UP tayo. Yung teacher na napakalaki ng bawas sa sweldo
nya para sa tax, halos hindi na magkaugaga sa pagbebenta ng sabon o avon sa
school para lang mapunan ang kakulangan ng sweldo, may kontribusyon pa sa
tuition natin. May balak ba tayo after graduation para magpalik naman sa
mangingisda, magsasaka at titser na ito?
Lagi natin
naririnig serve the people, serve the people, sa pagkakatanda ko, meron pa
ngang napakalaking banner niyan doon sa tuktok ng DL Umali noong graduation namin
last year eh. Hindi naman ako magmamalinis, isang taon na ako grumaduate, nasan
na ang serve the people? After graduation dumerecho na ako sa law school, sabi
ko sa sarili ko tatapusin ko ang law at ipasa ang bar, tiyak mas madami ako
matutulungan. Hindi ko naman nakakalimutan ang pangakong yun.
Tanong ng iba,
pano ba yun, kelangan ba i-quantify, kelangan ba literal na bayaran mo in any
way yung ginastos na buwis para sa pag aaral mo? Kelangan ba maging magsasaka
ka din o mangingisda o titser para makabawi? Kelangan ba dito ka lang sa
Pilipinas, huwag ka mag aabroad? Para sa akin kasi, if you live up to what is
expected of an iskolar ng bayan, marahil isang paraan nay un para makapag give
back. Aminin natin, napaka idealistic natin nung estudyante pa, na iniisip
natin we can change the world and all that, pagkalabas ng UP, nandun pa rin ba
yung idealism? Yung kagustuhan na mabago yung pangit sa lipunan? Ewan ko,
sarili lamang natin yung makakasagot nun. Sabi nga eh, sa bawat sampung
kamatis, marahil dalawa o tatlo dun ay bulok, ang magiging tanong lamang, alin
ka dun? Dun ka ba sa bulok?
Muli, maligayang
pagtatapos class of 2014! Dangal at husay mga kapwa iskolar ng bayan! Serve the
people!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)