2/3
In 2015 I found
my first love.. and though I do not want to spoil this but, I also lost him. It
was a love story doomed not to last from the very start. Circumstances
prevented a love story to happen, siguro biktima lang talaga tayo ng buhay.
As I have said,
sa sobrang luwag ng second year second semester namin, nakuha ko pang subukang
mag love life, kasabay ng social life at law.
I am very much
grateful though. Naging masaya naman ako noon. I am not saying hindi ako masaya
ngayon but happiness is one thing, wholeness, meaningfulness, that’s another.
Bigger words na yun eh. Sabihin na lang nating, I became wiser. Besides, minsan
kailangan rin siguro natin ng thrill sa buhay. Haha! That experience provided
me the “thrill”.
If ever mabasa
mo ito, which I doubt, thank you. Thank you for the love sabi nga ng ABS-CBN.
Looking back, palagay ko naman genuine yung mga pinakita mo. You did what you
did in good faith kaya lang siguro may mga bagay talagang hindi tumatagal.
But allow me to
tell you and the entire internet world how devastating on my part that “break
up” was.
Katulad ng
sinabi ko, yung third year first sem sa law school, napakahirap. Mahirap yung
subjects by themselves tapos kapag nag-combo pa yung innate na hirap ng subjects,
plus nakakabaliw na schedule plus terror professors, ewan ko na lang kung
matino ka pa after the semester. Tapos ako, sumusubok pang kumalimot.
Para sa kaalaman
ng lahat, ako yung tipo ng tao na madali ma-attach at mahirap makalimot.
Nahihiwagaan nga ako sa iba kasi pinoproblema nila yung hirap makaalala.
Halimbawa, hirap silang alalahanin kung sa’n iniwan yung susi ng kotse o bahay,
hirap alalahanin kung kailan ang birthday ng kaibigan pero hindi ba mas mahirap
makalimot? Mas mahirap kalimutan yung taong nagmahal at nanakit sa’yo. Mahirap
kalimutan yung masasayang mga bagay pero mas mahirap kalimutan yung mga
masasakit.
Yung sinasabi
nilang “keep yourself busy” oo effective yun, for a while.. kapag hindi ka na
busy, paano na?
But you know,
life goes on. Life went on. Hindi ka naman pwedeng magpaiwan dahil lang
nasaktan ka. Sabi nga ni Fr. Rembert sa homily niya, bumagsak ka? Life goes on.
Iniwan ka niya? Life goes on. Nalugi negosyo ninyo? Life goes on.
For a while, nag
struggle akong kalimutan siya. Binura ko number niya (although oo, memoryado ko
naman), binura ko conversations namin, sinubukan kong burahin siya sa lahat
pero narealize ko you cannot just forget someone. Narealize ko nga, sayang lang
sa panahon at energy ang pilitin ang sarili na kalimutan ang isang tao. Siguro
we just let ourselves be and learn to live with the pain, the regrets, the
anger, lahat. Para sa akin, ang pinakaimportante, you just have to control
them. Halimbawa, kapag nag aaral ka tapos bigla kang makakakita ng isang bagay
na makakapagpaalala sa kanya, okay lang yun, tao ka lang. siguro hayaan mo na
isipin mo siya ng ilang minuto pero pagkatapos, balik ka na uli sa pag aaral.
You just have to learn to control them. That was how I survived. Sabi nga ng
blocmate ko, move on at your own pace.
That
experience also brought me closer to God. Imagine ha, nung first sem third
year, 6:30am dumadating na ako sa school para magsimba kahit hapon o gabi pa
ang class. Sumali ako sa student ministry primarily para sa mga prayer worship,
wala nga pala akong absent sa mga prayer worship. Ipinagdasal ko kasi yun,
actually hiningi ko yun kay Lord kaya nung natapos at nahihirapan ako sabi ko,
tulungan niya ako bilang siya naman ang nagbigay nun. Haha!
But
see, I survived. Life went on. Pumasa pa nga ako kay Dean Jara, Civil Procedure
kahit sobrang hirap.
Experiences
in life make us tougher. Nasa atin lang yan.
A
friend asked me, “umaasa ka pa ba?” An honest answer, I am hoping against hope.
To
you, I am praying for you every day. I hope you are genuinely happy.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento