Lunes, Disyembre 21, 2015

Of law, love, life and 2015


1/3
2015 was a great year just like any year before that. Ayaw ko namang sabihin na hindi masaya ang 2015. Hindi ko rin naman masasabi na ito ay malungkot—tulad nga ng expresyon—sakto lang.

This is the first article of this series, hence the title. Kaya lang, hindi ko talaga alam kung paano ko idedelianate ang law sa love ang love sa life at ang law sa life. Para kasi sa akin parang iisa lang naman itong tatlong ito.

                Pero dahil blog ko naman ito at jusme, napakatagal na nung huli kong post, I might mix these three up. Bahala na lang kayo.

                2015 was a superb year for me in so far as law is concerned. Hindi ko akalain na makukuha ko pa yung bronze medal for second year. Napakahirap ng second year first semester, hindi biro. Bukod sa 25% discount sa tuition (thanks San Beda baka naman sabihin ninyo ingrata ako), we were awarded during the graduation of the seniors this 2015. That was one of the happiest moments of my law school life. My parents travelled all the way from Isabela na nagka-aberya pa nga dahil na-traffic sila at alas dose na ng tanghali dumating at alas dos ng hapon ang call time namin para lang makadalo. That was surreal though. Nung time na yun nga, naexcite ako grumaduate bigla. Naka-red robe din kasi kami katulad ng graduates pero may konting pagkakaiba lang sa bandang shoulders.

                That was unexpected considering the work load for second year as well as the lineup of professors (I will write a separate post on our professors, sana lang sipagin). Besides, for the last two years, walang medalists for second year kaya hindi namin inexpect tatlo nila Y and C na makuha pa ang gold, silver, bronze.

                Yung second year second semester, mas madali na. Bukod sa nakapag adjust na sa work load, schedule, mas naging madali rin ang lineup namin. Actually, masaya yung second sem. Mas marami kaming labas ng bloc, mas maraming extracurricular activities, mas naging close kami as a bloc, no, as a family rather.

                To second year readers, if there are, samantalahin ninyo yung ganitong pagkakataon, pwede pa nga kayong maglove life at social life nang sabay ngayong second year second semester tapos magka-bronze medal pa. Promise, naranasan ko. HAHA

                Yung third year, first sem, naku, ibang usapan na yan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento